Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa Bagyong Usman halos 16,000 na

Photo: MARINA

Umabot na sa 15,788 ang bilang ng mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa bagyong Usman.

Maliban sa mga pasahero, mayroon ding 1,464 na rolling cargoes na stranded, 114 na mga barko, at 24 na motorbancas.

Sa datos ng Philippine Coast Guard na inilabas alas 4:00 ng umaga, kabilang sa mga nakapagtala ng stranded na pasahero ang mga sumusunod na pantalan:

• National Capital Region-Central Luzon – 1,049 passengers
• Central Visayas – 1,164 passengers
• Southern Tagalog – 1,733 passengers
• Western Visayas – 942 passengers
• Bicol – 5,047 passengers
• Eastern Visayas – 5,017 passengers
• Northern Mindanao – 453 passengers
• Southern Visayas – 383 passengers

Inabisuhan ng Philippine Coast Guard ang lahat ng kanilang unit na ipatupad ng mahigpit ang Memorandum Circular Number 02-13 na naglalaman ng alituntunin sa pagbabawal sa paglalayag kapag masama ang panahon.

Read more...