Bawal ding gumamit ng paputok sa Muntinlupa at Las Piñas

Kapwa nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa at Las Pinas na bawal ang pagpapaputok sa kanilang lugar sa Bagong Taon.

Sa abiso ng Muntinlupa City government sa kanilang Facebook page, sa ilalim ng City Ordinance 14-092 bawal ang magpaputok sa buong lungsod.

Samantala, inabisuhan din ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang mga residente na hindi pwedeng gumamit ng lahat ng uri ng paputok sa lungsod.

Ito ay salig sa City Ordinance Number 1484-17.

Payo ng Las Pinas City government, wag nang magtangkang gumamit ng paputok para makaiwas sa paghuli at makaiwa na rin sa kapahamakan.

Read more...