2 sugatan sa pagsabog sa labas ng simbahan sa Athens, Greece

AFP Photo
Sugatan ang dalawang katao sa pagsabog ng isang homemade explosive device sa Athens, Greece.

Naganap ang pagsabog sa harapan ng isang simbahan kung saan kabilang sa nasugatan ang caretaker at isang pulis.

Ayon sa mga otoridad, inilagay ang pambasabog sa labas ng Orthodox Church of Saint Dionysius.

Nagtamo ng minor injuries ang pulis sa kaniyang mukha at kamay.

Rumesponde ang pulis sa lugar matapos silang ialerto ng caretaker na may kahina-hinalang bagahe sa labas ng simbahan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...