Bagyong Usman, tatama sa kalupaan ng Eastern Samar mamayang gabi; Signal #1 nakataas sa 31 lugar sa bansa

Lalakas bilang isang tropical storm at tatama sa kalupaan ng Eastern Visayas mamayang gabi ang bagyong Usman.

Sa 4AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa 285 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas ang signal number 1 sa sumusunod na lugar:

Northern Palawan
Calamian group of Islands
Camarines Norte
Southern Quezon
Marinduque
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate
Ticao
Burias Islands
Southern Occidental Mindoro
Southern Oriental Mindoro
Cuyo Palawan
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu
Camotes Islands
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Antique
Northern Negros Occidental
Dinagat Island

Ayon sa PAGASA ang bagyo ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan sa Visayas, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, at Quezon.

Ang mga nakatira sa nasabing lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagkakaroon ng landslides at flashfloods.

Posibleng sa Linggo ng gabi (Dec. 30) o lunes ng umaga (Dec. 31) lumabas na ng bansa ang bagyong Usman.

Read more...