Ayon kay Senior Inspector Gajanan Kabdule, kinasabwat ng babae ang dalawa pang lalaki para tagain ang ari ng biktima.
Umamin ang 42-anyos na suspek sa nagawang krimen, at sinabing ginawa niya lamang ito upang turuan ng leksyon ang kanyang stalker.
Makailang beses na umano siyang nakaranas ng sexual harassment mula sa kapitbahay na makailang beses siyang inalok na makipagtalik.
Makaraang putulan ng ari, napagtanto umano ng suspek na kailangan niyang isugod sa ospital ang biktima.
Narekober na rin ang ari ng biktima at ang kutsilyong ginamit para putulin ito ayon kay Kabdule.
Patuloy na nagpapagaling ang biktima sa ospital na kinailangang lagyan ng ventilator.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis ang babaeng suspek at dalawang kinuntsaba nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Isang malaking isyu ang sexual violence at women harassment sa India.