Patay ang isang preso makaraang masunog ang isang selda sa Antipolo City Jail Huwebes ng gabi.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesman Xavier Solda, nasawi dahil sa smoke inhalation ang 84-anyos na inmate.
Nadala pa ito sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.
Sa pahayag ng BJMP, sampu ang preso na isinugod sa ospital dahil sa sunog.
Samantala, pinaghahanap na ng Antipolo City police ang isang inmate na nakatakas dahil sa insidente.
Naibalik na rin sa kanilang mga selda ang nasa 1,500 preso na pansamantalang inilipat sa covered court ng Barangay San Jose habang inaapula ang sunog.
Sumiklab alas-8:01 ng gabi at agad din namang naapula pasado alas-9:00.
Umabot lamang ito sa ikalawang alarma at inaalam na ng Bureau of Fire Protection Antipolo ang sanhi nito.