12 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Naaresto ng Quezon City Police District Station 6 ang 12 katao sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod.

Arestado ang isang bagong laya na lalaki at tatlong iba pa sa Barangay Pasong Tamo matapos mabilhan ng bawal na gamot.

Kasama sa mga natimbog ang live-in partner ng suspek at isang menor de edad na criminology student.

Iginiit naman ng live-in partner ng lalaki na itinanim lamang ang mga droga.

Nakuha sa mga ito ang 5 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, naaktuhan namang gumagamit ng iligal na droga ang walo katao sa Brgy. Holy Spirit.

Target lamang sana ng operasyon ang isang nagbebenta ng isda na tumanggi pa na siya ay tulak ng droga.

Sa huli ay umamin din ito at ikinanta pa ang mga kasamahan.

Read more...