Nakatakdang makalaban ni Pacquiao ang American boxer sa Enero 19 sa Las Vegas.
December 23 nang arestuhin si Broner dahil sa kabiguang makasipot sa mga pagdinig ng korte sa kinasasangkutan niyang mga kaso.
Ilan sa mga kinahaharap nito ay paglabag sa ilang mga batas-trapiko tulad ng overspeeding, pagmamaneho ng sasakyang hindi rehistrado at kawalan ng driver’s license.
Idinemanda rin ang boksingero sa hindi umano pagbabayad nito ng alahas na nagkakahalaga ng $1.25 milyon sa Pristine Jewelers.
Samantala , agad namang nakalaya si Broner matapos mahuli.
Dahil dito, tuloy ang kanyang laban kay Pacquiao na susubukang panatilihin ang kanyang 60-7-2 win-loss-draw record.