Isang lalaking wala nang buhay ang natagpuan sa karagatan ng Tagbilaran City sa Bohol alas-8:00 ng umaga ng Huwebes.
Ayon sa ulat ng pulisya, dalawang mangingisda ang nakakita sa bangkay na nagpapalutang-lutang lamang malapit sa parola.
Agad na rumesponde sa ulat ng mga mangingisda ang Philippine National Police Maritime Group, Tarsier 117 at Philippine Coast Guard-Tagbilaran.
Sinasabing nasa edad 50 pataas o early 60’s ang lalaki na wala pang pagkakakilanlan.
Dinala na sa isang punerarya sa lungsod ang mga labi nito.
MOST READ
LATEST STORIES