Mga lalawigang isinailalim sa Signal No. 1 dahil sa Bagyong Usman, nadagdagan

PAGASA photo

Nadagdagan ang bilang ng mga lalawigang itinaas sa Storm Signal No. 1 dahil sa Tropical Depression “Usman.”

Sa 8:00 pm weather bulletin ng PAGASA, isinailalim na Signal no 1 ang Southern Quezon at Marinduque.

Nananatili naman sa Signal 1 ang mga sumusunod na lalawigan:

Luzon:
– Romblon
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Masbate
– Ticao at Burias Islands

Visayas:
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
– Aklan
– Capiz
– Northern Iloilo at Northern Negros Occidental

Mindanao:
– Dinagat Island

Bandang 7:00 ng gabi, huling namataan ang Bagyong Usman sa layong 365 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.

Binabagtas ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Nananatili naman ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 65 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas at Dinagat Island, Huwebes ng gabi.

Maaarin anilang magdulot ito ng pagbaha at landslides sa mga nasabing lugar.

Dagdag pa ng weather bureau, makaaapekto ang sama ng panahon sa Visayas, Bicol Region, Mindoro Provinces.

Read more...