Batay sa ulat, pumapatak na sa P50 hanggang P60 ang bawat isang pailaw kumpara sa P100 halaga sa kada tatlong piraso nito noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association Inc., Ito ay dahil sa limitadong suplay ng mga paputok ngayong taon dahil sa regulasyon sa paggawa ng paputok sa bansa.
Ani Leah Alapide, nagkaroon ng delay at kakulangan sa mga kailangang chemical dahil sa mga guideline at pronouncement.
Dahil dito, sinabi ng Business Permits and Licensing Office ng Bocaue, Bulacan na nabawasan ang mga bilang ng mga manufacturer na nag-apply ngayong taon.
Malaking epekto aniya ang inilabas na Executive Order No. 28 ni Pangulong Rodrigo Dutertepara sa pag-regulate sa paggamit ng mga paputok sa bansa.