Tulong sa pamilya ng napatay na police escort ni Batocabe, tiniyak ni Duterte

Nestor Corrales from Bong Go

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng napatay na police escort ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe na makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Sa pagdalaw ng pangulo sa burol ni Batocabe sa Daraga, Albay nagparating ito ng pakikiramay sa pamilya ni Senior Police Officer 1 Orlando Diaz.

Kabilang sa ibibigay na tulong ng gobyerno sa pamilya ni Diaz ang pabahay at edukasyon para sa kaniyang mga anak.

Noong December 22 namatay sina Batocabe at Diaz matapos barilin ng hindi pa nakikilalang gunmen sa gift-giving ceremony para sa mga senior citizen sa Daraga.

Ayon sa otoridad, posibleng pulitika o pag-atake ng komunistang grupo ang motibo sa pananambang.

Read more...