Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 6,445 na pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas, Bicol at Northern Mindanao hanggang Huwebes ng tanghali.
Kalahati sa naturang bilang ang naitala sa limang pantalan sa Bicol region.
Samantala, naipit naman ang 380 rolling cargoes, 33 vessels at 19 motor bancas sa mga pier.
Sinuspinde na ang vessel trips sa 11 lugar dahil sa lakas ng tubig sa mga dagat kabilang sa Southern Leyte, Northern Samar at Dinagat Islands.
Sinuspinde na rin ng PCG ang lahat ng sea travels mula sa Surigao City sa Surigao del Norte.
MOST READ
LATEST STORIES