Nagsagawa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng ikalawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Meeting kaugnay Bagyong Usman.
Ginanap ang pulong sa NDRRM Operations Center Huwebes ng hapon na dinaluhan ng mga opisyal at representatives ng kaukulang ahensya ng gobyerno.
Kabilang sa mga napag-usapan ay ang paghahanda ng pamahalaan sa posibleng epekto ng Bagyong Usman, partikular sa Eastern Visayas.
Ayon kay NDRRMC executive director Ricardo Jalad, nasa blue alert status na ang mga tanggapan nila sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Batay aniya sa monitoring nila ay maayos pa ang panahonpero kapag sumama na ang panahon, magsimula na paglilikas ng mga residente.
Nagbabala na rin ang NDRRMC sa mga posibilidad ng pagbaha at landslides dahil pa rin sa Bagyong Usman.
Nasa P1.7 bilyong halaga ng food and non-food items naman ang nakahanda na na ibibigay sa mga maaapektuhan ng bagyo.