Bagyong Usman, bumagal pa; Signal number 1, nakataas sa 18 lalawigan sa bansa

PAGASA photo

Mas bumagal pa ang pagkilos ng Tropical Depression Usman habang kumikilos papalapit sa Eastern Samar.

Sa 5:00 pm weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar bandang 4:00 ng hapon.

Mayroon itong lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong  65 kilometers per hour.

Binabagtas ng bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Nakataas ang public storm signal number 1 sa 18 lalawigan sa bansa kabilang ang mga sumusunod na lugar:

Luzon:
– Romblon
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Masbate
– Ticao at Burias Islands

Visayas:
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
– Aklan
– Capiz
– Northern Iloilo at Northern Negros Occidental

Mindanao:
– Dinagat Island

Posible namang itaas ang signal number 1 sa Camarines Norte, southern Quezon, Marinduque, southern Oriental Mindoro, Antique at nalalabing bahagi ng Iloilo at Guimaras sa susunod na weather bulletin.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Visayas, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Quezon hanggang araw ng Biyernes.

Dahil dito, inabisuhan ang mga maliliit na seacraft na iwasang maglayag sa mga lalawigang itinaas sa signal number 1.

Posibleng mag-landfall ang bago sa Eastern Samar, Biyernes ng hapon.

Inaasahan namang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Read more...