Bulkang Mayon muling nagbuga ng abo

BREAKING: Nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon ngayong Huwebes, Dec. 27 ng umaga.

Ayon kay Ed Lagueta, resident volcanologist ng Phivolcs sa Albay, naitala ang bahagyang pagbubuga ng abo sa bulkan, alas 8:40 ng umaga.

Sa video na ibinahagi sa Facebook ni Sto. Domingo, Albay Mayor Herbie Aguas, makikita ang paglabas ng abo mula sa bunganga ng Mayon.

Nananatiling nakataas ang alert level 2 sa naturang bulkan.

Read more...