NDRRMC naka-blue alert na dahil sa bagyong Usman

Itinaas na sa blue alert ang status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa pagtama ng bagyong Usman.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni NDRRMC spokesperson Dir. Edgar Posadas na umiiral na rin ang blue alert status sa Eastern Visayas kung saan inaasahang magla-landfall ang bagyo.

Sinabi ni Posadas na batay sa pagtaya, bagaman hindi kasing lakas ng mga nagdaang bagyo, ang tropical depression Usman ay maghahatid ng mga pag-ulan na maaring makapagdulot ng pagbaha.

Sinabi ni Posadas na ang mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Usman ay ilang araw na ring inuulan bago pa ang pagpasok ng bagyo.

Dahil dito, malaki aniya ang posibilidad ng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Ani Posadas, may mga bahagi sa Eastern Samar na talagang mababa at kahit walang bagyo ay mabilis na binabaha kapag nakaranas ng pag-ulan.

Pinag-iingat din ng NDRRMC ang mga naninirahan sa bulubunduking lugar sa posibilidad na pagkakaroon ng landslides.

Read more...