Lumang Christmas album ni Mariah Carey nagtala ng bagong rekord sa Spotify

Nagtala ng bagong rekord sa Spotify ang lumang Christmas album ni Mariah Carey makaraang marami ang makinig nito noong Christmas Eve.

Ayon sa ulat ng Chart Data, noong Christmas Eve, ang album ni Mariah Carey na “All I Want for Christmas is You” na ini-release noon pang 1994 ay pinakinggan ng 10.8 million times sa Spotify.

Tinalo nito ang rekord ng rapper na si XXXTentacion, na nakapagtala ng 10.4 million.

Ibinahagi naman ni Carey sa kaniyang Instagram ang pasasalamat.

Tuwing holiday season, ang naturang album ni Mariah ay umaangat sa Billboard charts.

Ngayong taon, umabot sa number 6 sa Billboard Hot 100 chart ang Christmas album ni Mariah.

Read more...