Sorpresang binisita bumisita si U.S. President Donald Trump sa Iraq.
Pinuntahan ng U.S. president kasama ang asawang si Melania Trump ang Al-Asad Air Base sa western Iraq kung saan naroroon ang tropa ng military ng Amerika.
Ito ang unang pagkakataon na binisita ni Trump ang lugar matapos mahalal sa pwesto.
Dumating doon si Trump, alas 7:16 ng gabi oras sa Iraq at inilabas lamang ang pagbisita nito sa kampo nang ito ay maisakatuparan na.
Sa kaniyang pagbisita sa kampo, nakipag-usap si Trump sa military leaders.
Sa pahayag naman ni White House Spokesperson Sarah Sanders, sinabing bumiyahe sa Iraq ang mag-asawang Trump noong gabi ng araw ng Pasko para pasalamatan ng personal ang tropa doon dahil sa kanilang tagumpay at sakripisyo.
MOST READ
LATEST STORIES