Pangulong Duterte pinakakasuhan si Representative Garin

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makasuhan si Iloilo Representative Richard Garin, Jr. at kanyang ama na siyang alkalde ng Guimbal na si Oscar Garin kaugnay sa kanilang pambubugbog sa isang pulis.

Sa isang ambush interview sa kanyang pagbisita sa lamay ni Ako Bicol Representative Rodel Batocabe, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung may kasalanan man si PO3 Federico Macaya ay hindi ito rason para siya ay bugbugin at tutukan ng baril.

Aatasan aniya niya si Interior Secretary Eduardo Año na pag-aralan at imbestigahan ang insidente upang masampahan ng kaukulang kaso ang mag-amang Garin.

Sinasabing ipinatawag ng mag-ama si Macaya sa Guimbal Public Plaza sa Iloilo at doon nila ito dinisarmahan.

Matapos ito ay pinosasan ng dalawa ang pulis, tinutukan ng baril, bago sinapak.

Read more...