Lalaki patay sa engkwentro sa Pangasinan

Nauwi sa shootout ang dapat sana’y paghahain lamang ng search warrant sa isang lalaki sa Barangay Longos Amangonan Parac‑Parac Fabrica, sa San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang napatay na suspek na si Christian Narag Bandarlipe.

Ayon sa mga otoridad, kinakaharap ni Bandarlipe ang kasong may kinalaman sa hindi lisensyadong mga baril kaya naman pumunta sila sa bahay nito upang ihain ang search warrant.

Bago pa man sila makalapit sa bahay ng suspek ay pinaputukan na ang mga pulis ni Bandarlipe.

Maswerteng walang nasugatan sa hanay ng mga pulis sa naturang engkwentro, habang dead on arrival naman sa ospital ang suspek.

Read more...