Nagsalpukan ang dalawang mga sasakyan sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Pagalungan, Polomolok, South Cotabato, dahilan upang masugtan ang 19 na mga pasahero.
Ayon sa hepe ng Polomolok Municipal Police na si Superintendent Samuel Cadungon, isang baka ang tumawid sa highway lagpas alas-6 ng gabi ng Pasko.
Sinubukan umano ng driver ng Toyota HiLux na iwasan ang baka ngunit nabangga pa rin nito ang hayop bago bumangga naman sa paparating na Isuzu Elf cargo truck.
Nabatid na ang HiLux ay patungong Koronadal City, habang ang Elf truck naman ay papuntang General Santos City.
Kapwa magkakamag-anak ang sakay ng dalawang sasakyan na karamihan ay mga bata.
Lahat ng mga nasugatan ay nagpapagaling na sa ospital.
Samantala, namatay naman ang baka na nabangga ng HiLux.