Batangas niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayang ng Calatagan sa Batangas, madaling araw ng Huwebes.

Naganap ang lindol kaninang ala-1:48 ng madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa 17 kilometro timog-silangan ng Calatagan.

May lalim ang pagyanig na 99 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Walang inaasahang anumang aftershocks o kahit anong pagkasira sa mga ari-arian ang lindol.

Read more...