19 na mga rebelde sumuko sa Agusan del Sur

Sa bisperas ng ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay sumuko ang 19 na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Loreto, Agusan del Sur.

Sa isang pahayag, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mula ang mga komunistang rebelde sa Barangay Ilang-ilang sa naturang bayan.

Isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas, kabilang ang anim na M16 rifles, isang baby M16, at isang M203 grenade launcher.

Nakuha rin mula sa mga ito ang ilang war materials at subersibong mga dokumento.

Nabatid na ang mga sumuko ay mga commanding officers, secretary, squad leader, at miyembro ng medics ng NPA.

Ayon kay AFP Chief of staff Lieutenant General Benjamin Madrigal, Jr., sa ngayon ay hawak ng militar ang 19 at isinasailalim sa validation at documentation.

Aniya, sa loob lamang ng 2018 ay nabawasan na ng mahigit 11,500 miyembro ang NPA.

Kaya naman muling hinimok ni Madrigal ang iba pang mga rebelde na sumuko at magbalik-loob na sa pamahalaan.

Read more...