Taliwas sa pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, iginiit ng abogado ni Senador Antonio Trillanes IV na nagpaalam ito para sa kanyang mga nakatakdang foreign trips ngayong holiday.
Sa pamamagitan ng isang pahayag ay sinabi ng legal counsel ni Trillanes na si Reynaldo Reyes na alam ng senador ang kanyang mga responsibilidad bilang isang taong may kinakaharap na mga kaso.
Kaya naman bago ito umalis patungong Europa, humingi muna si Trillans ng permisong makalabas ng bansa mula sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 at sa Davao City RTC Branch 54.
Mataandaan na kinakaharap ngayon ng senador ang kasong rebelyon sa Makati, habang libelo naman sa Davao.
Ayon pa kay Robles, pormal silang nagsumite ng mosyon o manipistasyon sa mga korte.
Aniya pa, pinayagan ng Makati RTC Branch 150 na makaalis ng bansa ang senador bagaman hindi sang-ayon sa naturang desisyon ang Department of Justice (DOJ).
Mula December 11 hanggang January 11, 2019 nasa Europa si Trillanes para bumisista sa Amstrdam, The Netherlands; Barcelona, Spain; at London, United Kingdom.
Sa January 27 naman ay muling aalis ang sendor upang makapunta sa California, Washington D.C., at Maryland sa Estados Unidos.