Mga gamit ng NPA nakuha ng mga otoridad sa Davao del Sur

Nagkaroon ng sandaling sagupaan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) sa Barangay Sibulan sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur noong mismong araw ng Pasko.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rhojun Rosales, commander ng 39th Infantry Battalion, papunta sila sa isang liblib na lugar sa nabanggit na barangay upang berepikahin ang impormasyon tungkol sa presensya umano ng mga rebelde doon.

Agad silang pinaputukan ng mga rebeldeng komunista, ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagsitakas ang mga ito.

Iniwan ng mga rebelde ang kanilang mga gamit at ilang mga dokumento.

Ayon kay Rosales, posibleng naghahanda ang mga rebelde para sa kanilang ika-50 anibersaryo dahil sa itinayong mga barung-barong sa lugar.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng mga otoridad ang mga narekober na gamit ng mga miyembro ng NPA.

Read more...