Bayan sa Davao Occidental niyanig ng Ms4.2 na lindol

Tumama ang isang magnitude 4.2 na lindol sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental kaninang alas-9:34 ng gabi.

Batay sa inilabas na abiso ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa dagat na sakop ng nabanggit na bayan. Partikular na naganap ang pagyanig sa layong 132 kilometro ng timog-silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang lindol na 23 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Walang naitalang intensities ang pagyanig at wala rin itong inaasahang idudulot na aftershocks o pagkasira sa mga ari-arian.

Read more...