Rep. Garin, nag-sorry at nagpaliwanag sa PNP

Humingi ng paumanhin si Iloilo Rep. Richard Garin sa PNP at kanya ring ipinaliwanag ang naging umanoy pananakit nilang mag-ama sa isang pulis, umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Garin siya ay ‘frustated’ matapos malamang na si PO3 Federico Macaya ay kinausap ang isang biktima na iaatras nag reklamo nito sa isang suspek.

Ang nasabing suspek ay nanakit ng isang bata sa kasagsagan ng ‘Disyembre sa Guimbal’ noong December 22.

Inako naman ng opsiyal ang nagawa at nilinaw na ang kanyang aksiyon ay hindi direkta sa PNP o sa mga tauhan nito kung hindi sa isang pulis na aniya ay tingin niya ay nakagawa ng mali.

Dahil sa insidente, nagpahayag si PNP Regional Office 6 director Chief Supt. John Bulalacao na maghahain silang kaso.

Ang mga kasong kanilang isasampa ay para physical injuries, alarm and scandal, direct assault against an agent of person in authority, grave coercion laban kay Rep. Garin at grave threat laban kay Mayor Garin.

Read more...