Rep. Garin at ama nito, nanakit umano ng pulis sa Iloilo ayon sa pulisya

Nanakit umano ng pulis si Iloilo 1st District Rep. Oscar “Richard” Garin Jr. at ama nitong Guimbal Mayor Oscar Garin Sr. ng isang pulis sa bayan Guimbal.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinaktan umano ng mag-ama si PO3 Federico Macaya na nakadestino sa Guimbal Municipal Police Station bandang 3:20 ng umaga.

Ipinatawag umano si Macaya ng mag-ama pagkatapos ay dinisarmahan, pinososasan at tinutukan ng baril ito.

Kinumpiska din ang mga gamit nito at pagkatapos ay umanoy sinaktan na ng mag-ama sa ibat ibang parte ng katawan nito.

Kaugnay ng insidente, sinabi ni PNP Regional Office 6 Director Chief Supt. John Bulalacao na kanya ng iniutos ang pagtanggal sa police escort nito.

Dagdag pa dito, nag-request na rin si Bulalacao na matanggal ang kapangyarihan ni Mayor Garin na deputation sa PNP.

 

Read more...