DOT, umapela sa publiko na maging responsable mga turista

Umapela sa publiko ang Department of Tourism (DOT) na maging responsableng mga turista sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga tourists spots ngayong holiday season.

Ayon sa DOT, responsibilidad ng mga mamamayan ang pagpapanatili ng kaayusan sa mga naturang lugar.

Matapos ang selebrasyon ng Pasko ay naiwan ang tambak na mga basura sa Rizal Park.

Nakolekta sa nasabing pasyalan ang mga truck ng basura na iniwan sa parke.

Dagdag pa ng DOT na umaasa sila kooperasyon ng lahat sa darating na pagsalubong ng Bagong Taon.

Read more...