Bagyong Usman, inaasahang lalakas pa bago mag-landfall

Courtesy of PAGASA

Inaasahan na mula sa pagiging tropical despression ng Bagyong Usman ay lalakas pa ito at magiging isang tropical storm.

Ito ay bago ang pagtama nito sa lupa sa Biyernes sa Eastern Visayas.

Huiling namataan ang bagyo sa layong 690 kilometers sa Silangan Hilagang-Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur na may dalang hangin aabot sa 55kph at pagbugsong nasa 65 kph.

Ayon sa PAGASA, magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at mga thunderstorms sa Central at Eastern Visayas maging sa Caraga dahil sa epekto ng bagyo.

Habang makakarans ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mga lalawigan ng Surigao Del Norte, Dinagat Islands at ang Bicol Regio bukas araw ng Huwebes.

Ang mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, CAR at Cagayan Valley ay uulanin din sa Biyernes habang ang Metro Manila ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan hanggang sa araw ng Sabado.

Read more...