Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng 50th anniversary ng komunistang grupo.
Sa isang statment, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang limampung taon ng rebelyon ni Joma Sison ay isang bigong rebelyon.
Nagresulta lamang aniya ito pagmatay ng maraming Pilipino, lalo na ng mga batang estudyante na napaslang sa mga engkwentro o sakit sa bundok.
Ang mga kabataang iyon, ani Panelo, ay nakapagsilbi sana sa ating bansa. Dagdag pa ng Palace spokesman, maraming ari-arian ang nasira dahil sa umano’y panggugulo ng mga rebelde.
Pagmamalaki naman ni Panelo, may mga NPA members na sumusuko na, kasunod ng panawagan ng gobyerno na magbalik-loob. Subalit si Sison aniya ay nasa ibang bansa at kumportableng namumuhay doon habang namamatay ang mga kasamahan nito sa Pilipinas.
Si Sison, na founding chairman ng CPP, ay na-exile sa the Netherlands matapos ang bigong peace talks sa pamahalaan noong 1987.
Giit pa ni Panelo, hindi na raw nakakapagtaka na hindi na sinusunod ng mga nasa ground si Sison, na panay banat na lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa “appearance of relevance.”