21 Chinese nationals, inaresto ng BI

Nagdiwang ng Pasko ang dalawampu’t isang Chinese nationals sa detention facilty ng Camp Bagong Diwa sa Taguig, makaraang maaresto ng Bureau of Immigration o BI.

Ang mga naturang banyaga ay nagbebenta raw ng mga produkto sa malls sa Pasay City, nang walang kaukulang working permits.

Labing dalawa sa mga Chinese national ay nahuli sa One Shopping center habang ang siyam na iba pa ay naaresto sa Two Shopping Center. Ang dalawang mall ay matatagpuan sa Baclaran.

Ayon kay BI acting intelligence chief Fortunato Manahan Jr., naghihintay na lamang ng deportation ang mga nabanggit na Chinese nationals.

Ang operasyon aniya ng BI ay bunsod ng isang tip na mayroong mga dayuhan na nag-ooperate sa mga mall kahit walang working visas.

Sinabi ni Manahan na karamihan sa mga naarestong banyaga sa Pilipinas ay mayroon lamang tourists o temporary visitors visa, pero sinamantala ang holiday season upang makapagbenta ng kanilang produkto.

 

 

Read more...