Bilang ng mga nabiktima ng paputok, umakyat na sa 24

 

File photo

Mula sa labing tatlo (13), nadagdagan pa ang mga nabiktima ng paputok ngayong Holiday season.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health o DOH, labing isa (11) ang nadagdag sa kaso ng mga firecracker related injuries, kaya umakyat na ito sa dalawampu’t apat (24).

Walo (8) rito ay sa kasagsagan ng Pasko habang tatlo (3) naman ang huling naiulat sa kanilang tanggapan.

Apat (4) sa mga kaso na ito ay galing sa National Capital Region kabilang na ang isang 6 na taong gulang na lalaki na aksidenteng nakalunok ng pili cracker na ngayon ay nagpapagaling pa rin sa UP-PGH sa Maynila.

Tatlo (3) naman ang mga naputukan sa Region 6 at tig-isa ang naputukan sa Region 4-A, Region 5, Region 7 at Region 9.

Sa kabila naman ng mga bagong insidente, sinabi ng DOH na mas mababa pa rin ito ng 54% kumpara sa bilang ng mga nabiktima ng paputok noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

 

 

Read more...