LOOK: PNP Chief Albayalde, pinangunahan ang command conference ukol sa Batocabe murder

 

Pinangunahan ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang isang command conference sa Albay.

Ito ay kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at police escort nito.

Ang command conference ay ipinatawag ni Albayalde, na dinaluhan ng mga pulis sa Bicol regional Police Office sa Legazpi City.

Bukod sa pagdalo sa command conference, dadalaw din si Albayalde sa burol ng yumaong mambabatas at ni SPO1 Orlando Diaz, ang nasawing security escort.

Ito’y kasabay ng inaasahang pagbisita rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lamay ni Batocabe, mamayang hapon.

Nauna nang inatasan ni Albayalde ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na tumulong sa imbestigasyon sa pagpaslang kay Batocabe noong Sabado (December 22).

Sa huling ulat, nasa anim na katao ang itinuturing na “persons of interest” sa Batocabe murder case.

 

 

 

Read more...