Ipinagdiriwang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ngayong araw (December 26) ang kanilang ika-50 taong anibersaryo.
Ayon kay Jose Maria Sison, ang founding chairman ng CPP, nanatiling “relevant” ang kanilang grupo, makalipas ang limang dekada.
Sa official Twitter account ng CPP, ibinahagi nito ang ilang litrato at videos ng “final rehearsal” nila bago ang selebrasyon.
Kasabay naman ng anibersaryo ng CPP-NPA-NDF, naka-alerto ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Pinayuhan ni AFP spokesman Colonel Noel Detoyato ang mga Pilipino na mag-ingat at manatiling mapagmatyag laban sa maaaring pag-atake ng mga rebelde.
Para kay Detoyato, wala naman dapat ipagdiwang ang CPP-NPA-NDF dahil wala umanong “achievement” ang grupo na pwedeng ipagmalaki.
Ayon naman kay PNP Chief Oscar Albayalde, walang namomonitor ng anumang banta ng panggugulo.
Pero, nakabantay umano sila sa posibleng pag-atake kaugnay sa CPP anniversary.
Nauna nang inanunsyo ng CPP ang unilateral ceasefire kaugnay sa Kapaskuhan at selebrasyon ng kanilang anibersaryo.
Final rehearsal before the celebration! #CPP50#LetsCelebrate pic.twitter.com/qAr2VatZcI
— PRWC (@prwc_info) December 26, 2018