M3.8 na lindol, tumama sa Davao Occidental

 

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Davao Occidental, Miyerkules ng umaga (December 26).

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 104 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 7:31 ng umaga.

May lalim ang lindol na 154 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

 

 

Read more...