Apat sugatan sa tumagilid na SUV sa EDSA

 

Isang SUV ang tumagilid sa EDSA-Annapolis southbound Miyerkules, Dec. 26 ng madaling araw.

Galing sa gitnang linya ng EDSA SUV na isang Toyota at may plate number na AAJ 3589 at patungo sana sa outermost lane malapit sa bangketa.

Gayunman, nabangga ito ng kasunod niyang sasakyan na isa ring SUV.

Doon na tumagilid ang sasakyan. Agad isinugod sa Cardinal Santos Medical Center ang apat na sakay ng SUV.

Dahil naman sa nasabing aksidente, bumagal ang daloy ng traffic sa EDSA Southbound.

Read more...