Umaapela ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Supreme Court na kumilos na at aksyunan ang sunud-sunod na mga kaso ng pagpatay ng mga abogado sa bansa.
Ginawa ng IBP ang pahayag mayapos mapatay kamakailan si Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe na isang card bearing member ng IBP Albay Chapter.
Ayon kay IBP President Abdiel Dan Elijah Fajardo, bago napatay si Batocabe noong Sabado, tinambangan din si Erfe del Castillo na miyembro naman ng IBP Negros Occidental Chapter sa Talisay, Negros Occidental. Gayunman, nakaligtas si del Castillo sa naturang insidente.
Ayon kay Fajardo, dapat na tiyakin ng SC na magkakaroon ng masusi, impartial, at independent investigstion ang mga korte sa kaso ng pagpatay sa mga abogado mula June 30, 2016.
Hinihimok din ng IBP ang SC na magsagawa ng dayalogo sa pagitan ng SC, IBP, state security forces, partikular na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang kaugnay na ahensya ng gobyerno, civil society organizations, lawyer organizations, at iba pa para magkapaglatag ng mga hakbang kung paano mabibigyan ng seguridad ang mga abogado sa bansa.