Babae sugatan matapos mabundol ng taxi sa Maynila

Bali ang kaliwang binti ng isang babae matapos itong mabundol ng isang taxi sa Sampaloc, Maynila.

Tatawid lamang ng kalsada ang biktimang si Rowena Tase nang mahagip ng taxi na mabilis ang takbo.

Hinala ng mga saksi nakatulog sa likod ng manibela ang taxi driver na si Mark Gibson Melicorio.

Bukod kay Tase, nabangga rin ng taxi ang isang pampasaherong jeep, dahilan upang mawasak ang harapang bahagi ng sasakyan.

Todo-hingi ng tawad si Melicorio kay Tase na sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Gayunpaman, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang aksidente at pinag-aaralan ang mga kasong posibleng isampa laban sa taxi driver.

Read more...