Paolo Ballesteros nag-transform bilang si ‘Cartolinang Gray’

Paolo Ballesteros Instagram

Simula nang unang mag-transform si Paolo Ballesteros bilang si Miss Universe Spain Angela Ponce kamakailan ay marami na ang naghintay para sa kanyang makeup transformation bilang ang bagong Miss Universe na si Catriona Gray.

At kahapon, sa mismong araw ng Pasko ay hindi binigo ni Paolo ang kanyang mga taga-hanga at bilang regalo ay ipinakita niya ang bagong makeup transformation bilang si Miss Universe 2018.

Gaya ng nakagawian, ginawang witty ni Paolo ang caption ng kanyang Instagram post. At imbes na Catriona, ginamit ng aktor ang ‘cartolina’ bilang pangalan ng kanyang transformation.

“Merry christmas! from CARTOLINANG GRAY! MISS UNIVERSE 2018 congrats @catriona_gray” ang caption sa Instagram post ni Paolo.

Una nang nagtransform si Paolo bilang si Catriona noong Mayo.

Samantala, bukod kina Catriona at Angela, gumawa rin ng makeup transformation si Paolo bilang sina Miss Universe 1st Runner-Up Tamaryn Green mula South Africa, at Miss Universe 2nd Runner-Up Sthefany Gutierrez mula Venezuela.

Read more...