Rizal Park dinagsa pa rin sa gabi ng Pasko

Kahit gabi na ay marami pa rin ang nagtungo sa Rizal Park sa Maynila upang mamasyal sa mismong araw ng Pasko.

Sa tala ng Manila Police District (MPD) bandang alas-7 ng gabi, tinatayang nasa 15,000 katao na ang bumisita sa Luneta.

Bukod sa mga Pilipinong pamilya na namamasyal at nag-aaliw sa Luneta, ay marami rin mga turista ang nasa lugar.

Naging center of attraction ng mga namamasyal ang dancing fountain na binuksan alas-6 ng gabi.

Nagkaroon din ng libreng concert sa Rizal Park Open Air Auditiorium, kung saan nagtanghal ang mahigit 10 mga performers.

Read more...