Tinarget ng isang pag-atake ang Foreign Ministry ng Libya sa Tripoli, dahilan upang masawi ang tatlo katao, kabilang ang isang kilalang militia leader.
Ayon sa mga otoridad, bago pa man makapagpasabog ng sarili ang ikalawang suicide bomber ay binaril na ito ng mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Kinilala ang nasawing militia leader na si Abdul-Rahman Mazoughi mula sa Revolutionary Brigade.
Bukod sa tatlong nasawi, 10 katao pa ang nasugatan dahil sa pag-atake.
Sa ngayon ay wala pang grupong umaako ng pag-atake, na mayroong pagkakatulad sa gawain ng Islamic State (ISIS).
MOST READ
LATEST STORIES