Overnight parking sa NAIA Terminal 3 bawal na

Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang overnight o long-term parking.

Ito ay partikular lamang para sa mga parking bay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termina 3.

Epektibo ang suspensyon mula December 28 hanggang January 3, 2019.

Sa abiso ng MIAA, ang naturang hakbang ay dahil sa mataas na volume o dami ng mga sasakyang naghahatid at sumusundo sa mga pasahero ngayong holiday season.

Ayon sa pamunuan, maaari pa ring pumarada sa mga parking area sa Terminal 3 ngunit sa limitadong oras lamang ito papayagan.

Magbabalik ang overnight o long-term parking sa Terminal 3 sa January 4, 2019.

Read more...