Kinuha ng Houston Rockets ang free agent guard na si Austin Rivers.
Bago kinuha ng Rockets, naglaro muna ngayong taon sa 29 na mga laban si Rivers para sa Washington Wizards. Sunod siyang kinuha ng Phoenix Suns, ngunit hindi pa man nakakapaglaro ay binitawan siya ng koponan.
Noong taong 2015 naman nang nakabilang si Rivers sa Los Angeles Clippers.
Sa kabuuan, nakapaglaro na si Rivers sa 437 na mga laban kung saan naitala niya ang average points na 9.3, 2.4 assists, at 2.1 rebounds.
Samantala, noong nakaraang taon na 2017 ang maituturing na best season para kay Rivers. Ito ay matapos niyng magkaroon ng average 15.1 points, four assists, at 2.4 rebounds sa ilalim ng koponan ng Clippers.
MOST READ
LATEST STORIES