Special elections para sa bakanteng SK positions magaganap sa 2019

Muling magkakaroon ng halalan sa susunod na taon para sa mga bakanteng posisyon sa Sangguniang Kabataan (SK).

Ito ay makaraan ang May 14 barangay at SK elections, kung saan ilang mga lugar ang mayroon lamang SK chairman o hindi kumpletong miyembro para sa SK council o wala namang naihalal na pinuno ng SK.

Sa pamamagitan ng isang memo na may petsang December 20, inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang guidelines para sa mga kabataang gustong mabigyan ng pagkakataong manungkulan bilang SK.

Para sa mga barangay na walang SK chairman, ang SK council member na may pinakamataas na boto ang itatalagang pinuno.

Para naman sa mga kulang ang SK member, ang kanilang SK chairman ang magdedesisyon kung magpapatawad ba ito ng special elections.

Magaganap ang special elections makalipas ang 30 araw matapos ilabas ang kautusan ng DILG.

Ngunit para sa mga lugar na wala pang SK chairman, kakailanganin muna silang magluklok ng bagong chairman at makalipas ang 30 araw ay sa gagawin ang special elections.

Read more...