Simple lamang ang mensahe ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdiriwang ng Pasko ngayong araw.
Ayon kay Speaker GMA, hangad niya na ang spirit ng Christmas ay magpa-angat sa kagustuhan ng sambayanan na makatulong sa iba.
Nais din niya na magkaisa ang lahat upang makamit ang kasiyahan at kapayapaan.
Sinabi ng House Speaker na dapat pairalin ng bawat isa ang pagmamahalan at kagalakan sa pamilya.
Ito ang una at huling pasko ni GMA bilang lider ng Kamara matapos siyang maluklok noong buwan ng Agosto kasabay ng SONA ng pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES