Bilang ng mga rice hoarders na kinasuhan ng NFA tumaas

Inquirer file photo

Umakyat ng 44 porsiento ang bilang ng mga negosyante at indibiduwal na nahuli ng National Food Authority (NFA) kaugnay sa paglabag sa ilang alituntunin ng ahensya.

Sa pahayag ng NFA, umaabot sa 8,826 na mga grain traders ang kanilang sinampahan ng reklamo kumpara sa 6,128 noong nakalipas na panahon.

Umaabot naman sa higit sa P10 Million ang kanilang nakuhang multa mula sa mga violators.

Ipinaliwanag ni NFA Administrator Tomas Escarez na ang kanilang mas pinaghigpit na kampanya ay nagresulta rin sa inspeksyon sa 168,140 establishment sa loob ng kasalukuyang taon.

Bukod sa rice hoarding, ilan sa kanilang mga pinagmulta ay nahuling nagbebenta ng bigas ng NFA sa mataas na halaga.

Sa pagpasok ng bagong taon ay umaasa si Escarez na mas higit pang magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng bigas dahil sa pagpasok ng mga imported rice.

Pero nilinaw ng opisyal na prayoridad pa rin nila ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa mga lalawigan.

Read more...