Nakilala ang nasawi na si Cyrus John Ferras.
Batay sa imbestigasyon, natutulog ang bata sa loob ng isang computer shop nang maganap ang insidente. Sinubukang gisingin ng mga residente ang bata pero natulog itong muli.
Nang balikan ng mga residente ang lugar ay nasunog na ang buong establisimyento kasama ang bata.
Samantala, humihingi ng tulong si Cebu City Councilor Dave Tumulak para sa halos 500 biktima ng sunog.
Base sa Facebook post ni Tumulak, nahihirapan umano ang Department of Social Welfare and Services o DSWD ng Cebu City Government sa paghahanap ng supplier ng packed meals para sa mga nasunugan dahil sarado ang halos lahat ng mga supplier ng pagkain at tubig dahil Pasko.
Nanawagan rin ng tulong si Tumulak sa concerned citizens para magbigay ng pagkain at tubig para sa mga biktima.