Lalaki, nagpasabog ng Molotov bomb sa harapan ng GMA-7 building

Arestado ang isang lalaki matapos magpasabog ng Molotov bomb sa harapan ng annex building ng GMA-7 sa Quezon City, ngayong araw ng Pasko (December 25).

Agad namang nakaresponde ang mga gwardiya ng GMA-7.

Dumating din ang mga pulis mula sa Quezon City Police District o QCPD station 10, at hinuli ang suspek.

Nakumpiska mula sa lalaki ang isang paper bag na naglalaman ng iba pang Molotov bombs.

 

 

Read more...